Mga balita:
Naghahanap ka ba ng inspirasyon sa pagluluto? Tumuklas ng mga recipe na nagtatampok ng European poultry
Paano naman kaya ang ilang kilalang lokal na lasa pero mayroong twist? Ang European poultry ay nag-aalok ng malawak na hanay ng mga puwedeng lutuin. Maaari itong ipares sa mga maaromang pampalasa, sariwang herbs, gulay, kanin, o mga sarsang hitik sa lasa (bold sauces), at kapwa ginagamit sa mga tradisyunal na resipe at sa mas modernong interpretasyon ng mga ito.

Ang manok, pabo, pato, gansa, at guinea fowl ay may kanya-kanyang natatanging lasa, kaya mainam ang mga ito bilang batayan para sa iba’t ibang uri ng mga putahe. Sa pag-iihaw, pagluluto sa oven, pagpiprito, pagpapakulo, o pagpapalambot sa mahinang apoy (braising), maaari mong iangkop ang paraan ng pagluluto sa mga lokal na tradisyon sa pagluluto at sa pansariling panlasa.
European poultry na may lasang lokal
Ang Vietnam, South Korea, at ang Piliinas ay may kani-kaniyang tradisyon sa pagluluto na lubos na magkakaiba, ngunit ang poultry ay malawakang ginagamit sa bawat isa sa mga ito. Ang mga aromatikong sabaw at sariwang herbs, mga pagkaing inihaw, matatapang na timpla para sa pag-aatsara, mga putaheng inihahain kasama ng kanin, at ang natatanging kombinasyon ng mga lasang maalat, maasim, matamis, at maanghang ay nagbubukas ng malawak na mga posibilidad sa paggamit ng iba’t ibang uri ng European poultry.
Subukan hindi lamang ang karne manok. Ang malambot na karne ng pabo ay bagay na ipares sa herbs, gulay, at malalasang sarsa, samantalang ang karne ng pato ay nagbibigay ng pagkakataong makalikha ng mas kakaibang mga putahe. Ang iba’t ibang uri ng karne, paraan ng paghahanda, at lokal na sangkap ay nagbibigay ng pagkakataong muling likhain ang mga pamilyar na lasa at bumuo ng mga bagong interpretasyon ng mga ito.
Naghahanap ka ba ng inspirasyon sa pagluluto ngayong araw?
Ang website ng EU POULTRY ay may mga ideya kung paano gamitin ang European poultry sa iyong kusina. Makakakita ka roon ng mga simpleng putahe para sa pang-araw-araw na pagkain, pati na rin ng mas detalyadong mga putahe na pinagsasama ang European poultry at iba’t ibang tradisyon sa pagluluto.
Ang mga poultry na nagmumula sa European Union ay sinusuportahan din ng isang sistemang nakabatay sa matataas na pamantayan ng kalidad at kaligtasan ng pagkain, pati na rin ang pagsubaybay sa produkto.
Gusto mo bang sumubok ng bago?
Tingnan ang tab ng “Mga Recipe” at maghanap ng inspirasyon para sa susunod mong ihahandang pagkain: https://eupoultry.eu/ph/mga-recipe/





