Ang Lumalaking Kahalagahan ng Poultry bilang Pinagkukunan ng Protina sa Asya

Sa mga bansang Asyano, tumataas ang interes sa mga produktong mayaman sa protina. Ayon sa ulat ng OECD na Pananaw sa Agrikultura ng FAO 2024–20331, ang Asya, lalo na ang Timog at Timog-silangang Asya, ay inaasahang maging isang pangunahing tagapagsulong ng paglago sa pandaigdigang pagkonsumo ng protina at karne sa mga darating na taon. Bilang karagdagan, ang mga pagtataya ay nagpapahiwatig na ang poultry meat ay mananatiling pinakamabilis na lumalagong bahagi ng merkado ng karne, na makabuluhang nag-aambag sa pangkalahatang pagtaas sa pandaigdigang pagkonsumo ng karne.

The Growing Importance of Poultry as a Source of Protein in Asia

Poultry – pinagmumulan ng protina para sa iba’t ibang putahe

Pinahahalagahan ang poultry meat dahil sa naglalaman ito ng mataas at ng de-kalidad na protina. Maaari rin itong ihanda sa iba’t ibang paraan sa pang-araw-araw na pagluluto, kaya ginagamit ito sa mga tradisyonal na putahe at makabagong lutuin upang matugunan ang iba’t ibang panlasa ng mga mamimili.

Tunay ngang ang karne ng poultry ay maaaring ihanda sa ibat’ibang paraan – mula sa pagpapakulo, pagpapalambot sa mahinang apoy (braising), pag-iihaw, hanggang sa pagprito – dahilan kung bakit naging mahalagang bahagi ng mga lutuin ito, sa maraming bansa sa Asya sa loob ng maraming taon. Ang patuloy na pagtaas ng popularidad ng mga pagkaing gawa sa poultry ay lalo pang nagpapatibay sa katayuan nito bilang isa sa pinakamahalagang pinagmumulan ng protina sa rehiyon.

European quality na nakatutugon sa inaasahan ng merkado

Habang lumalaki ang kahalagahan ng kalidad, kaligtasan ng pagkain, at transparency sa produksyon, ang mga supplier na ginagarantiyahan ang mataas na pamantayan ay ginagampanan ang mas mahalagang papel. Natutugunan ng mga poultry mula sa European Union ang mga inaasahan na ito, salamat sa isang pare-parehong sistema ng regulasyon na sumasaklaw sa buong production chain – mula sa pagpaparami, pagproseso, hanggang sa transportasyon at distribusyon.
Nakabatay ang sistema ng European production sa mahigpit na mga tuntunin hinggil sa kaligtasan ng pagkain, pagkontrol sa kalidad, kakayahang matunton ang pinagmulan ng produkto, at kapakanan ng mga hayop. Dahil dito, makakaasa ang mga importer at kasosyo sa kalakalan sa mga transparent na pamantayan at sa matatag at maaasahang mga paghahatid.

Ipinapahiwatig ng mga pagtataya ng OECD at FAO na ang mga bansang Asyano ay mananatiling isa sa mga pangunahing tagapagtulak ng pandaigdigang pagkonsumo ng poultry meat sa mga darating na taon. Para sa mga nag-aangkat, nangangahulugan ito na nagiging lalong mahalaga ang pakikipagsosyo sa mga supplier na nag-aalok hindi lamang ng mga de-kalidad na produkto, kundi pati na rin ng pagiging maaasahan, ganap na pagsubaybay, at pare-parehong pagsunod sa mga internasyonal na pamantayan ng produksyon.

1. OECD/FAO (2024), OECD-FAO Pananaw sa Agrikultura 2024–2033, OECD Publishing, Paris / FAO, Rome