European poltri

Ang proseso ng pagpapalaki ng mga hayop at paggawa ng karne sa Europeong Unyon ay napapailalim sa mga istriktong regulasyon at dapat makatugon sa mahihigpit na pamantayan ng kalidad.

Ang mga detalyadong regulasyong teknikal, pangkalinisan, at pang-hygiene ay nauugnay sa mga kalidad na pamantayan ng sistema, at ang pagkontrol sa kalidad, pati na rin ang isang hanay ng mga pamantayan ng kaligtasan, ay nalalapat sa bawat yugto ng produksiyon ng mga manok.

Mataas na pamantayan sa pagpapalahi tulad ng:

  • Paggamit ng mga feed nang walang mga hormone, antibiotic, growth promoter, at mga genetikong modipikasyon
  • Tinitiyak ang mataas na antas ng proteksiyon sa kalusugan at kapakanan ng mga hayop
  • Patuloy na istriktong beterinaryong pagkontrol

na ginagarantiyahan ang pag-access ng konsumer sa masarap, sariwa, ligtas sa kalusugan at sa nutrisyon, at nakabubuti sa katawang mga produkto.

Ang poltri farming sa Europa ay isang pangunahing sangay ng agrikultura, na may tradisyong mula pa nang daan-daang taon noon. Ang pagsasama ng tradisyong ito sa pinakabagong kaalaman, sa napapanatiling pamamaraan ng produksiyon, at mga pagsisikap at karanasan ng mga Europeong breeder ay nagresulta sa isang bago, mataas at sistematikong pinabuting kalidad ng European poltri.

Ang karne ng poltri ay mahalagang bahagi ng pang-araw-araw na diyeta ng tao. Ang mga pangunahing bentahe nito ay kinabibilangan ng mataas na nilalamang protina, pagiging digestible, mababang nilalamang taba (lalo na sa kaso ng manok, pabo, at guinea fowl), mababang nilalamang calorie, naglalaman ng madaling natutunaw na mga bitamina at mineral, malasang katangian, at walang limitasyong mga posibilidad sa paggamit sa pagluluto.